Gabby’s Top Ten Questions!

Minsan tinanong niya ako, “Mama, kapag ba nasa langit na hindi na pwede bumalik sa atin?! Sabi ko, bakit mo naman tinatanong yan?At ang sagot niya


” Gusto ko na bumalik si Lolo dito sa atin, magpapatimpla ako sa kanya ng oatmeal eh!”

Ito ang mga madalas at halos paulit-ulit na katanungan ng aking panganay na anak na si Gabby.

  • bakit dalawa ang kamay natin?
  • bakit ba natutulog ang bata? para lumaki? eh nag matanda? ngpapalaki pa din?
  • bakit kulot ang buhok mo ‘ma? bakit si Daddy straight? eh, si Nicco bakit kalbo?
  • bakit dapat magshampoo kapag naliligo?
  • bakit panay ang hugas ng alcohol nung dentist?
  • bakit naghuhugas ng kamay bago kumain?
  • bakit gabi ka na dumadating kapag galing mo sa opis?
  • bakit panty ang sinusuot mo mama, si daddy naman brief?
  • bakit kapag ikaw mama, ayaw mo ko palabasin ng kwarto, si Daddy naman pinapalabas ako?
  • bakit ba naglalaba ng damit? para malinis? bakit naman nagsasampay? para masuot ulit yung damit?

“Alam kong marami ka pang itatanong sa akin anak, at sisikapin kong sagutin sa abot ng aking makakaya at malilirip ng iyong pang-unawa. Sana ay maging tama ang mga sagot ko sa mga katanungan na itatanong mo sa akin. dahil alam kong ito ang magiging gabay mo sa pagharap sa reyalidad ng buhay. Hindi ko man maipaliwang ang ibang sagot sa iyong katanungan, Alam kong padating ng tamang panahon, ikaw mismo ang makakatuklas ng sagot sa iyong mga tanong ng hindi mo na ako kinukulit ng kakatanong sa mga simpleng bagay dahil malaki kana nuon at alam kong malawak na ang iyong pang-unawa. Sana lang anak, paglaki mo hindi mo makalimutan ang mga tamang sagot. Ng sa gayon maging tama din ang mga maging desisyon mo sa buhay. Darating ang panahon at magiging nanay at magulang ka na din gaya ko, nasisiguro kong ang mga tanong na ito ay magiging tanong na muli, hindi na para akin kundi para sa iyo na.”


~~haay… ang emote ko noh?! hahaha. Sometimes, words just flow automatically as you type. Maybe because these words are always at the back of your mind , waiting for the perfect timing to come out in you.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *